-- Advertisements --
Kinumpirma ni dating Senator Manny Pacquiao na nagkita sila ng pinatalsik na kongresista ng Negros Oriental Arnolfo “Arnie” Teves sa Timor Leste.
Sinabi ni Justice Assistant Secretary Jose Dominic Clavano na nakausap niya ang Filipino boxing icon at doon inamin na nagkita sila ni Teves.
Nasa East Timor kasi si Pacquiao dahil siya ay inimbitahan ng gobyerno ng nasabing bansa.
Paglilinaw ng dating senador na hindi planado ang pagkikita at natiyempuhan lamang na parehas sila na nandoon sa iisang lugar.
Magugunitang iginiit noon ng Department of Justice na mula ng masangkot si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay nagtago na ito sa East Timor.