-- Advertisements --
Precilyn Melo Sylvestre
Article by Precilyn Silvestre-Melo (USA correspondent)

All set na bukas ng Sabado ng madaling araw ang official weigh-in nina Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Ponciano John Melo mula sa Las Vegas, sinabi nito na itinakda ang weigh-in dakong alas-4:00 ng madaling araw (1pm Vegas time) kung saan mauuna ang mga undercards bago naman sumalang ang dalawang magkaribal sa timbangan na magaganap sa MGM Grand Garden Arena.

Ngayon pa lamang ay inaasahang papasa ang dalawa sa 147 pounds welterweight limit lalo na at ito naman ang kanilang mga weight division.

Una nang itinanggi ni Thurman na overweight siya.

Si Pacquiao naman ay todo rin ang pagpapakondisyon sa weigh-in kung saan kanyang kinain at inulam ngayon ay rice, tinola at gulay na malunggay.

Sa huling 10 bouts ni Thurman ay hindi ito lumampas sa 147 pounds kung saan sa harapan nila ni Josesito Lopez noong buwan ng Enero ay may bigat siya na 146.6 libra.

Pacquiao abs

Si Pacquiao naman sa huli niyang siyam na mga laban ay mas magaan siya na nasa pagitan lamang ng 143 3/4 pounds noon kontra kay Chris Algieri, habang parehong 146 pounds ang kanyang naitala sa Lucas Matthysse at Adrien Broner fight.

Ang bakbakan sa Linggo ay ang kauna-unahang appearance ni Thurman sa pay-per-view.

Pero si Pacquiao ito na ang kanyang ika-25 beses na pay-per-view event.

Makasaysayan din ang muling pagbabalik ni Manny sa MGM Grand Garden Arena dahil ito na ang kanyang ika-15 pagkakataon kung saan una siyang umapak sa lugar ay ang kanyang US debut fight (2001) at doon ay pinatulog ang kampeon na si Lehlo Ledwaba para sa IBF 122-pound title.

Si Thurman naman ay ika-limang beses pa lamang niya na aakyat ng lona sa tinaguriang Las Vegas mecca of boxing.

pac presscon MGM
melo mgm
thruman 3
boxing arena
Thurman presscon