-- Advertisements --
PACQUIAO THURMAN FACE OFF
Pacquiao and Thurman staredown (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)

Kapwa tumimbang sa 146.5 pounds sina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa ginanap na official weigh-in kaninang madaling araw (4AM) sa MGM Grand sa Las Vegas.

Parehong pasok ang dalawang kampeon sa welterweigt limit na 147 ng World Boxing Association (WBA).

Precilyn Melo Sylvestre
Article by Precilyn Silvestre-Melo (USA correspondent)

Nakasuot ng puting sweater si Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) at kalmado nang pumasok sa MGM Grand hanggang sa stage kung saan ginanap ang pagtimbang.

Unang sumalang sa weighing scale si Thurman (29-0, 22 KOs, 1 NC) na mistulang naka-black brief at walang kahirap-hirap na pumasa.

pacquiao thurman face off 1
Pacquiao and Thurman face-off at weigh-in (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)

Ilang nasa audience ang muling “nag-boo” at nagkantiyaw sa kaniya dahil pa rin sa mga antics nito.

Hiyawan naman ang sumunod na tanawin nang sumalang sa timbangan ang fighting senator na naka-black boxer shorts.

Nang mag-staredown ang dalawa sa stage, inabot ng halos isang minuto ang matatalim na tinginan na inawat na lamang.

Para raw kay Pacman, hindi siya pasisindak sa mayabang na American undefeated champion.

Kung pagbabatayan naman ang huling 10 bouts ni Thurman ay hindi ito lumampas sa 147 pounds kung saan sa harapan nila ni Josesito Lopez noong buwan ng Enero ay may bigat siya na 146.6 libra.

pacquiao scale
Pacquiao at weighing scale (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)

Si Pacquiao naman sa huli niyang siyam na mga laban ay mas magaan siya na nasa pagitan lamang ng 143 3/4 pounds noon kontra kay Chris Algieri, habang parehong 146 pounds ang kanyang naitala sa Lucas Matthysse at Adrien Broner fight.

Ang bakbakan sa Linggo ay ang kauna-unahang appearance ni Thurman sa pay-per-view.

Pero si Pacquiao ito na ang kanyang ika-25 beses na pay-per-view event.

Makasaysayan din ang muling pagbabalik ni Manny sa MGM Grand Garden Arena dahil ito na ang kanyang ika-15 pagkakataon kung saan una siyang umapak sa lugar ay ang kanyang US debut fight (2001) at doon ay pinatulog ang kampeon na si Lehlo Ledwaba para sa IBF 122-pound title.

thurman weight
Thurman at weighing scale (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)

Si Thurman naman ay ika-limang beses pa lamang niya na aakyat ng lona sa tinaguriang Las Vegas mecca of boxing.

pacquiao thurman staredown
Pacquiao and Thurman staredown (photo from Bombo Radyo international correspondent Ponciano “John” Melo)