-- Advertisements --
PACQUIAO T MOBILE

LAS VEGAS – Nagkaharap na rin sa unang pagkakataon sina Manny Pacquiao at WBA welterweight reigning champion Yordenis Ugas sa Las Vegas, apat na araw bago ang kanilang big fight.

Sa ulat ni Bombo international news correspondent Dr. John Melo, naganap ang face off ng dalawa sa open air area ng T-Mobile Arena.

Ang first time encounter ng dalawa ay bilang bahagi ng grand arrival bago ang final press conference bukas.

Kapwa tinawag sina Pacman at Ugas sa stage upang makita ng ilang mga fans at bumati na rin.

Ang 42-anyos na tanging eighth-time world division champion, ay sinamahan ng kanyang mga long-time trainers na sinq Freddie Roach, Buboy Fernandez, at strength and conditioning coach Justine Fortune.

ugas t mobile

Makikitang naka-all red na training get up ang 35-anyos na Cuban boxer na si Ugas na medyo matangkad ng bahagya habang naka-white shirt at black jogging pants naman ang pambansang kamao.

Nagpormahan din ang dalawang magkaribal sa itaas ng stage sa face off para sa media.