-- Advertisements --

Dumating na si Sen. Manny Pacquiao sa Las Vegas, limang araw bago ang big fight kontra sa kampeon na si Yordenis Ugas ng Cuba.

Sa darating na Linggo na ang WBA welterweight championship ng dalawa.

pacquiao jab

Kasama ng fighting senator na dumating sa Las Vegas ang kanyang misis na si Jinkee at anak.

Taliwas sa mga dating nakagawian na engrandeng convoy kasama ang costumbuilt na bus mula sa Los Angeles patungo ng Vegas ay hindi na ito nangyari.

Sakay ang fighting senator sa black Mitsubishi SUV na inabot din ng apat na oras ang biyahe.

Hindi na rin kasi sa paborito niyang MGM Grand Arena ang venue ng laban ni Pacman kundi sa mas malaking T-Mobile Arena na home venue ng National Hockey League’s Vegas Golden Knights na kayang magkasya ang 20,000 fans.

Sa kabila nito sa MGM Grand Hotel & Casino maghaharap para sa final press conference sina Pacquiao at Ugas sa Huwebes.

Kung sakali ito ang unang pagkakataon na personal na magkakaharap ang magkaribal.

Sa Sabado naman ng umaga gaganapin ang final weigh-in ng dalawa.

Samantala una namang dumating sa Las Vegas si Ugas at nag-post pa ito sa kanyang tik tok habang nasa kotse na mistulang manghang mangha sa promosyon ng kanilang laban kung saan nakabandera pa ang kanyang malaking pangalan sa sikat na Las Vegas strip kasama ang pangalan ng Pinoy ring legend.