Posibleng sa sunod na taon na ang next fight ni Manny Pacquiao matapos ang big win sa kampeon ng Amerika na si Keith Thurman.
Una nang lumutang ang isyu na sa Disyembre magaganap ang ikatlo niyang laban ngayong taon. Pm
Pero sa panayam kay Pacman matapos ang laban sa MGM Grand nilinaw nito na babalik muna siya ng Pilipinas upang pag-aralan ang magiging desisyon.
Agad din namang uuwi ang fighting senator upang magtrabaho rin dahil magbubukas na ang 18th Congress ngayong Lunes.
“I think (I will fight) next year. I will go back to the Philippines and work and then make a decision.”
Samantala umaasa rin naman si Pacman na makabalik siya sa buwan ng Setyembre sa Amerika upang personal na saksihan ang labanan ng mga kampeon na sina IBF champion Errol “The Truth” Spence Jr. at WBC champion “Showtime” Shawn Porter sa 147-pound title unification bout.
Umugong din kasi ang usapin na sinuman ang manalo sa dalawa na magaganap sa Staples Center sa Los Angeles ay posibleng itapat kay Pacquiao lalo na at iisa lang sila ng promotional company na Premier Boxing Champions.
“I hope to be at that (Spence-Porter) fight on Sept. 28,” ani Pacquiao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kina Spence at Porter kapwa hinulaan nila ang panalo ni Pacman.
Isinabay ang paglulunsad ng kanilang September fight sa araw mismo ng Pacquiao-Thurman showdown.