-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Balik sa training si Manny Pacquiao kasama ang kanyang head coach para naman sa isang exhibition fight laban sa hindi pa pinangalanang Japanese fighter na gagawin sa buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon doon sa Japan.

Kinumpirma ito ni Coach Buboy Fernandez sa pagsisimula kahapon ng training kung saan nakagawa ng apat na round sa punch mitts si Pacquiao.

Ayon kay Fernandez na kahit exhibition fight ang nasabing laban ay kanilang paglalaanan ng panahon ang training.

Ganoon pa man gagawin ang training ni Manny sa wild card gym dito sa lungsod.

Sa pagbabalik training, si Manny ay may mga pagbabago din na takdang gagawin sa kanilang training camp.

Isa ay ang paglilimita sa mga sibilyan na makapunta sa lugar at kukuha ng video na ayon kay Coach Buboy iilan lamang ang pahihintulutan subalit hindi naman apektado ang nasa hanay ng Media kagaya ng Bombo Radyo Philippines na malayang makapasok at makakuha ng mga videos sa nasabing pagsasanay.

Matatandaan na hindi natuloy ang laban noon kay Thai kickboxer Buakaw Banchameck.