Muli umanong patutunayan ni Manny Pacquiao na “size doesn’t matter” sa kanilang showdown ng mas matangkad na si Ketih Thurman.
Mistulang kampante pang idineklara ng fighting senator na simula na ng klase ngayong Linggo sa loob ng MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Si Pacquiao naman ang mistulang nangantiyaw ngayon sa pagsasabing sana raw ay nag-aral nang mabuti si Thurman dahil bilang titser, ibibigay niya ang mas mahirap at masasakit na aral.
Una rito matapos ang ginanap na official weigh-in nitong Sabado ng madaling araw, nagyabang muli si Thurman kung anong mga diskarte ang kanyang panlaban sa pagiging kaliwete ni Pacman.
Ipinakita pa ni Thurman ang kanyang foot work at ang kanyang malakas na kanang suntok na siyang susi raw upang patulugin ang fighting senator.
Para naman sa mga pumupusta at mga sugarol sa Las Vegas, kaya raw bahagayang umakyat sa pagkaliyamado si Manny ay dahil pa rin sa angkin niyang bilis, lakas at pagiging beterano sa edad na 40-anyos.
Napansin naman ni Bombo international correspondent Ponciano “John” Melo Jr. mula sa Las Vega na ang mga odds kung tataya raw halimbawa ng P1,000 para kay Pacquiao ang panalo lamang ay P300.
Marami raw kasing mga oddsmakers ang naniniwalang baka ma-knockout lamang ni Pacquiao si Thurman.