-- Advertisements --
Pacman greets US

Hindi rin nagpahuli si Senator Manny Pacquiao sa kanyang pagbati sa Estados Unidos kasabay ng kanilang July 4th Independence Day anniversary.

Sa kanyang social media account, sinabi ni Manny ang mga katagang “Happy Birthday, America!”

Dinugtungan naman niya ito ng makahulungang mas matinding “fireworks” ang masasaksihan ng mundo sa July 21.

Sa naturang petsa kasi ang bakbakan nila ng undefeated champion ng Amerika na si Keith Thurman na magaganap sa Las Vegas.

“Happy Birthday, America! Look more fireworks on July 20th. #PacThurman”

Iniulat naman sa Bombo Radyo ng ilang miyembro ng Team Pacquiao na light workout lamang ang ginawa ng fighting senator ngayong araw kasama na ang mild jogging.