-- Advertisements --

Inamin ng isa sa matagal ng trainer ni Sen. Manny Pacquiao na mistulang “blessing in disguise” ang mangyayaring banggaan sa Agosto 22 kontra sa Cuban champion na si Yordenis Ugas.

Ayon sa kababata ni Pacquiao na si Buboy Fernandez, kung tutuusin mas delikadong kalaban pa ang umatras na si Errol Spence.

Pacquiao Pacman Buboy fernandez

Buti na lamang daw at isang katulad ni Ugas ang makakaharap ni Pacman na maituturing na tune up fight dahil dalawang taon din na walang laban ang pambansang kamao.

Gayunman, hindi umano dapat magkampante si Pacquiao kahit hindi ganon katindi ang eksperyensa ni Ugas.

Ayon pa kay Fernandez, pinanood na rin nila sa YouTube ang laban ni Ugas at meron na silang naihandang diskarte bilang bahagi ng preparasyon.

Parehas umano sila ng pananaw ni coach Freddie Roach na bagamat matangkad si Ugas, hindi naman nito mainam na ginagamit ang bentahe.

Paalala na lamang ni Fernandez, dapat daw mag-ingat si Pacquiao sa counterpunches ni Ugas.