Ibinulgar ni dating five division world champion Floyd Mayweather Jr. na siya mismo ang nagmungkahi sa kanyang manager na si Al Haymon na si Adrien Broner ang siyang perfect opponent para sa next fight ni Sen. Manny Pacquiao.
Kinumpirma rin ni Mayweather, 41, na nasa ilalim na rin ng kanilang promotions team si Pacquiao, 39, matapos na pumirma kay Haymon.
Kung maaalala noong nakaraang taon nang mag-expire ang kontrata ni Manny sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.
Una namang napabalita na hangad ngayon nina Pacman at Floyd na magkaroon muna ng tune up fights bago ang kanilang rematch na maaring mangyari sa Mayo ng susunod na taon.
Ang laban ng fighting senator na siyang reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion kontra sa 29-anyos na si Broner ay magaganap sa Enero.
Naniniwala si Mayweather na kailangang pabanguhin muna nila ang kanilang rematch sa pamamagitan ng impresibong panalo bago ang muli nilang harapan ng Pinoy ring idol para pumatok sa mga boxing fans.
“I think the best fight for Pacquiao… I told Al Haymon that the best fight for Pacquiao is probably the Adrien Broner fight,” ani Mayweather sa panayam ng TMZ.
Si Broner ay former world champion sa four weight classes ay merong record na 33 wins, 24 via knockout at 3 losses.
Habang ang eight division world champion na fighting senator ay may 60 wins sa kanyang career, 39 dito ay via KO at 7 losses.