Marami umanong mga bigating boksingero ngayon ang tutol din na payagan ang mga professional boxers na isali na sa 2020 Tokyo Olympic Games.
Binigyang diin ni World Boxing Council President Mauricio Sulaimán, na kabilang sa kanyang mga nakausap ay sina Sen. Manny Pacquiao, Oscar De La Hoya at Canelo Alvarez na hindi sang-ayon sa desisyon ng International Olympic Committee (IOC).
Naniniwala kasi si Sulaiman na masyadong “unfair” kung ihaharap ang isang beterano at professional boxers kontra sa mga amateurs.
Sinabi naman daw ni Canelo na kung sakaling manalo siya ng gold medal ay hindi magiging maganda ang kanyang pakiramdam lalo na kung ang tinalo niya ay isang bata na binigo niya ang magandang pangarap sa buhay.
Isa naman sa panukala na gustong ipasok ni Sulaiman kung WBC ang masusunod ay patawan ng ban ng kahit dalawang taon kung ang isang professional boxers ay sumali sa Olympics.