Umaasa si unified welterweight champion Errol Spence Jr na makakabalik na itong muli sa boxing ring sa Setyembre o Oktubre, at nais daw nitong makasagupa sinuman kina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.
Ayon kay Spence, sabik na raw itong lumabang muli matapos makarekober mula sa kinasangkutang car accident noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Inisyal niya raw sanang target ang Hulyo o Agosto, ngunit naurong dahil sa coronavirus pandemic.
Ngayong nabigyan na raw siya ng ikalawang pagkakataon para mabuhay, sinabi ni Spence na handa siyang tanggapin ang mga hahamon sa kanya sa welterweight division.
Inihayag ni Spence, hindi pa naman daw masyadong matanda ang Pinoy ring icon para sa boxing.
“I didn’t think he was going to look that good, I didn’t think he was going to look like that,” wika ni Spence. “I would love to fight Pacquiao, he’s a future legend, he’s a Hall of Famer, he’s a guy I would love to fight. He has a belt, too, I would love to get that belt.”
Maging si Crawford ay hindi rin daw mawawala sa radar ni Spence.
“Just like Pacquiao and Floyd [Mayweather], it has to be all the money in the pot and everybody has to get their fair share. So as long as it makes sense money-wise, if it’s big enough, then I think the fight will happen,” ani Spence.
Noong Setyembre nang magapi ni Spence ang kababayang si Shawn Porter sa isang mega fight sa Texas.
Tungkol naman sa kanyang WBC mandatory challenger na si Danny Garcia, umaasa si Spence na matutuloy ang kanilang bakbakan ngayong taon o sa 2021.