-- Advertisements --

Nais umano ni Coach Freddie Roach na makita si Pinoy ring icon na tumapak muli sa boxing ring laban sa walang talo at batang-batang si Ryan Garcia.

Ngunit ayon kay Roach, dapat umanong maging maingat at listo si Pacquiao laban sa 22-anyos na si Garcia, na siya ring may hawak ng interim WBC lightweight champion.

[The] Garcia fight? I really like that fight. I think he’s a good fighter. He’s got very good left hook,” wika ni Roach sa isang panayam. “He can punch a little bit. You got to be careful with him. And that’s the key to Manny. Manny’s gotta be careful with him a little and be smart. To beat this guy, you have to do not just the ordinary things.

“He has a terrific left hook. He puts people right in their a__ with it. He swings a little with his left hook, if you think he’s out of range and he takes that distance up very, very quickly and he does with his left hook and that power, you have to be careful with him. It’s not an easy fight for anybody, even Manny.”

Isiniwalat din ng Hall of Fame trainer na pinapadalhan siya ni Pacquiao ng videotapes ng kanyang training, kasunod ng pag-anunsyo ng eight-division world champion na nagsimula na raw ang kanyang training camp.

Noong nakalipas na taon nang lumutang ang mga report na posibleng gawin ni Pacquiao ang kanyang boxing comeback sa Saudi Arabia.

Pero sa ngayon, wala pang naisasapinal lalo pa’t humahaba ang listahan ng mga boksingerong nais makatunggali ang Fighting Senator.