-- Advertisements --

Determinado na si Filipino boxing legend Manny Pacquiao na makapaglaro sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa dating senador na hind pinagbabasehan ang edad dahil ito ay numero lamang.

Nagpapasalamat ito dahil sa may hakbang ng ginagawa ang Philippine Olympic Committee para ito ay tuluyang makasali sa Olympics.

Magugunitang noong Agosto ay ibinunyag ni POC President Abraham Tolentino na interesado ang dating senador na makapaglaro sa Olympics.

Nagpasa na rin ang POC ng mga kakailanganing dokumentopara mapayagan ang Filipino boxing champion na makapaglaro sa Olympics.

Sa sulat ni Tolentino sa International Olympic Committee na may malaking tulong ang pagsabak ni Pacquiao dahil ito ay lalong magpapalakas sa sports na boxing sa buong mundo.