-- Advertisements --

Tiniyak ni Sen. Manny Pacquiao na hindi apektado ang kanyang training sa nalalapit na big fight kontra sa American champion na si Errol Spence kaugnay sa kanyang pagiging presidente ng partido PDP-Laban.

Ayon kay Pacman ang pagtungo niya sa Amerika ay para sa laban na kanyang alay sa bayan.

Aniya, hindi naman daw siya natutulog lamang sa pansitan.

Alam umano ng senador na grabe ang paninira sa kanya sa Pilipinas kaugnay sa kanyang paglaban sa katiwalian sa administrasyon at ang isyu sa gulo sa kanilang partido.

Binigyang dii pa ng mambabatas na maraming siyang mga kritiko na gusto siyang matalo kay Spence.

Hindi naman tinukoy ni Pacquiao kung sinong grupo ang naghahangad na siya ay mabigo sa laban, pero ayaw lamang daw niya itong isapubliko.