-- Advertisements --

Itinuturing ni Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao na isang malaking karangalan na maimbitahan at magtalumpati sa dalawang kabilang sa mga sikat na unibersidad sa buong mundo.

Sa darating na Lunes na at Martes kasi nakatakdang magsalita ang Pinoy ring icon sa Oxford at Cambrige Universities na kapwa nasa United Kingdom.

Ayon kay Pacman, malaking pagkakataon ito upang maibahagi ang kuwento ng kanyang buhay at kultura ng Pilipinas.

Excited na rin ang WBA champion na makipagpalitan ng kuro-kuro sa mga future world leaders.

Kung magkataon, maihahanay na rin ang eight-division world champion sa mga iconic leaders ng mundo tulad nina Albert Einstein; Winston Churchill; Mother Teresa; Dalai Lama; former US Presidents Ronald Reagan; Jimmy Carter; Richard Nixon; Franklin Roosevelt; Margaret Thatcher; at astronaut Buzz Aldrin na nagsalita rin sa naturang dalawang prestihiyosong institusyon.

Samantala, habang abala si Pacquiao sa kanyang speaking engagement, ang kanyang makakalaban na si Adrien Broner ay nagsimula na sa puspusang pag-eensayo.