-- Advertisements --

Hindi umano interesado si Senator Manny Pacquiao na maging running mate ni Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.

Kasunod ito sa panawagan na umatras na lamang ito sa pagtakbo sa pagkapangulo at sa halip ay maging bise presidente ni Robredo.

Sinabi ng Filipino boxing champion na buo na ang kaniyang desisyon na siya ay tatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.

Alam nito sa sarili na marami siyang magagawa para sa bayan.

Sa kaniyang talumpati sa Rotary Manila, nais daw niya ang tunay na pagbabago sa bansa at hindi lamang puro pamumulitika