-- Advertisements --

Hindi interesado si Manny Pacquiao na labanan ang YouTube star na si Jake Paul.

Sinabi nito na ang paglaban kay Paul ay hindi makakatulong sa kaniyang career dahil hindi naman ito professional boxer gaya niya.

Dagdag ng 42-anyos na fighting senator na kung ipursige ni Paul ang pagiging boksingero.

Hindi naman nito ikinaila na interesado siyang muling makalaban si Floyd Mayweather Jr.

Ang 24-anyos na si Paul ay nakatakdang labanan si dating UFC champ Tyron Woodley ngayon buwan.

Kasalukuyang nagsasanay ang fighting senator sa Wild Card Gym para sa laban nito kay Errol Spence Jr sa darating na Agosto 22 sa Las Vegas, Nevada.