-- Advertisements --
Hindi na interesado ang kampo ni Manny Pacquiao na magkaroon pa ng rematch kay Jeff Horn at Keith Thurman.
Sinabi ni Sean Gibbons, ang pangulo ng MP Promotions, wala ng dapat asahan ang nabanggit na mga boksingero dahil hindi na interesado pa na labanan sila ng Filipino boxing champion.
Tanging dalawang boksingero ang pinag-iinteresan ng fighting senator at ito ay sina Mikey Garcia at two division champion Danny Garcia.
Hindi rin naiiwan sa listahan ang rematch kay US boxing champion Floyd Mayweather.
Magugunitang nanawagan sina Horn at Thurman na mag-rematch sila ng fighting senator.