-- Advertisements --

Humingi na ng tulong sa PNP ang opisina ni Senator Manny Pacquiao para makilala ang nasa likod ng lumabas na pekeng confidential memo.

Sinabi ng abogado ng senador na si Atty. Pelagio Lawrence Cuison na sinulatan na nila si PNP chief General Guillermo Eleazar sa pamamagitan ng PNP Anti-Cybercrime Group director Brig. General Robert Rodriguez para mag-imbestiga.

Nais nilang malaman kung sino ang naglabas ng confidential plan na nagpapatalsik kay dating party vice chairperson at Energy Secretary Alfonso Cusi at mga kaalyado nito.

Mariing itinanggi ng kampo ni Pacquiao ang nasabing paglabas ng memo na nag-aatas ng pagpapatalsik kay Cusi at ilang kaalyado nito.

Ang nasabig dokumento umano ay may petsang Hunyo 8, 2021 na para palabasin na ito ay ginawa bago ang nangyaring pagpapalabas ng tunay na PDP-Laban resolution na inilabas noong Hulyo 9 na nagpapatalsik kay Cusi, National Transmission Corporation (NTC) President Melvin Matibag at Astra Naik.

Bukod kina Naic, Cusi at Matibag ay nais ipaimbestiga ni Pacquiao sina dating Press Secretary Bobi Tiglao, pro-administration blogger Trixie Cruz Angeles, at isang Ahmed Paglinawan.