Inakusahan ngayon ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na grupo ng Pangulong Rodrigo Duterte na inabandona na ni Senator Manny Pacquiao ang partido rin niya na PDP-Laban.
Ito raw ay makaraang maghain kahapon si Pacquiao ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives (Promdi).
Kung maalala ang sentro ng mga miyembro ng Promdi ay ang lalawigan ng Cebu.
Ayon kay Atty. Melvin Matibag, secretary general ng PDPLaban Cusi faction, nagpapakita lamang daw ito na sila ang tunay na mga opisyal ng partido at hindi ang Pimentel group.
Kumpiyansa raw sina Matibag na sa huli kakampihan sila ng Comelec upang ideklarang sila ang lehitimong partido kaysa sa faction ni Sen. Pacquiao.