-- Advertisements --

Inindorso ng Probinsya Muna Development Initiative (PROMDI) Party si Senator Manny Pacquiao para kandidato rin nila sa pagkapangulo ng bansa sa 2022.

Ginanap ang nominasyon ng grupo kay Pacquiao sa isang hotel sa lungsod ng Cebu ang balwarte ng founder ng partido na si dating Cebu Governor Lito Osmena.

Sinabi ni Pacquiao na kaniyang tinanggap ang nominasyon ng partido kung saan mahalaga aniya ang pagkakaroon ng alyansa sa mga partido para maisulong ang kapakanan ng bayan.

Ayon naman kay Mimo Osmena ang anak ng founder ng partido na kaya nila napili si Pacquiao bilang standard bearer dahil nirerepresenta nito ang pangarap at pag-asa ng lahat ng mga promdis.