-- Advertisements --
Itinalaga bilang miyembro ng Philippne Army Multi-Sector Advisory Board (PA MSAB) si Senator Manny Pacquiao.
Pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay ang oath taking at pinning of the Army transformation Roadmap pin kay Pacquiao sa pamamagitan ng video conference.
Isa kasing military reservist ang fighting senator na mayroong rangkong colonel sa Reserve Force ng Philippine Army.
Ipinagmalaki naman ni Gapay ang pagkuha nila kay Pacquiao.
Bilang miyembro aniya ay magiging susi siya sa pagitang ng Philippine Army, private sector at civil society.
Taon 2006 ng unang pumasok sa army reserve si Pacquiao na may ranggong sergeant.