Itinuturing na “automatically expelled” si Senator Manny Pacquiao sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cusi faction.
Kasunod ito sa paghahain ng senador bilang pagkapangulo sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives (Promdi) na nakabase sa Cebu.
Sinabi ni PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag na ang sinumang miyembro na naghain sa ibang partido ay otomatikong tanggal na agad sa partido.
Nagpulong aniya ang mga kanilang National Executive Committee at ito ang napagkasunduan nila na naaayon aniya sa kanilang party constitution.
Wala pa aniyang nakagawa sa kasaysayan ng halalan sa bansa na ang isang presidential candidate mula sa dominant party na nakipag-alyansa sa ibang partido ay tatakbo na ang dadalhing pangalan ay mula sa ibang partido.