-- Advertisements --

Inamin ni Sen. Manny Pacquiao na nahirapan din siyang kalabanin si Keith Thurman kahit pa natalo niya ito.

Sa post fight press conference, pinuri ng 40-year-old Pinoy ring icon si Thurman na inilarawan niya bilang magaling na boksingero.

“He’s (Keith) not an easy opponent. He’s heavy-handed, not like other opponents I faced before. This guy – he can fight,” ani Pacquiao.

Dahil dito, naniniwala si Pacman na malayo pa ang mararating ng 30-year-old American boxer at hindi ito dapat maliitin.

“Don’t be discourage; this is part of boxing. I know he’s not over, he’s not finished. This guy is a warrior,” dagdag ng fighting senator.

Una rito, tinalo ni Pacquiao si Thurman via split decision sa kanilang WBA welterweight super world championship bout.

Sa unang round pa lamang ay naging mainit na ang labanan dahil kapwa nagpakawalaaagad ng suntok ang dalawa, pero si Pacman ay nagawang pabagsakin si Thurman sa pamamagitan ng kanyang solidong kanan sa mga huling segundo ng laro.