Lantarang hinamon na ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr., na ituloy nila ang kanilang rematch.
Ginawa ni Pacquiao ang pahayag sa itaas ng ring nang matanong matapos ang unanimous decision win kay Adrien Broner.
Ayon kay Pacman, sabihin daw kay Floyd na magharap sila muli kung sakaling bumalik ito sa ring mula sa retirement.
Nagkataon naman na nasa audience si Mayweather, 42, dahil co-promoter ito sa boxing card sa MGM Grand arena.
Nang i-focus ang camera kay Floyd ay wala naman itong sinabi o kumagat kaagad sa hamon.
“Tell him to come back in the ring, and we will fight,” ani Pacquiao. “I’m willing to fight Floyd Mayweather again.”
Kung maaalala, taong 2015 nang manalo si Floyd kay Pacquiao sa kontrobersyal na laban.
Ang unification fight ng dalawa ay itinuturing sa kasaysayan ng combat sports na “richest fight in history” na kumita ng $600 million.
Bago ang hamon ni Pacquiao, 40, inihayag ni Floyd na dapat tapusin muna ng fighting senator ang laban.
Dumaan din ang undefeated American champion sa dugout ni Manny upang ipaabot ang good luck wish.
Sa ngayon wala pang malinaw kung magkakaroon ng Part 2 ang pagtutuos ng dalawa lalo na at pinalutang ang posibilidad na maaaring ganapin ang rematch sa buwan ng Mayo o Hulyo.