-- Advertisements --

Todo tanggi si Sen. Manny Pacquiao na nagkomento siya sa isyu ng kontrobersiyal na frigate na balak sanang bilhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Maging si PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, ay nilinaw din na walang inihahayag si Pacquiao sa usapin ng “frigate deal.”

Sa statement na inilabas ng staff ng fighting senator, sinabi nito na nagkamali yata ang reaksiyon ni Defense Secretary Delfin Lorenza na maaaring kinuha nito sa nagkalat na fake news sa social media tulad ng mga memes.

Una nang naghamon din si Lorenzana kay Pacquiao na maglabas ng bagong mga ebidensiya dahil noong imbestigahan daw ito ng Senado noong 2018 ay nandoon naman sa hearing at dumalo noon si Pacquiao.