-- Advertisements --
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao / IG Post

Nahaharap sa kaso si Filipino boxing champion Manny Pacquiao dahil umano sa paglabag sa pinirmahan niyang kontrata.

Isinampa ni Paradigm Sports Management Audie Attar ang kaso laban sa eight-division world champion dahil umano sa breach of contract ng pumayag na makalaban niya si Errol Spence para sa WBC at IBF welterweight titles sa Agosto.

Sinabi ni Attar na inaayos na niya ang laban ni Pacquiao kay MIkey Garcia at nabigla na lamang daw siya ng malamang na ianunsiyo ng kampo ni fighting senator na lalabanan niya si Spence.

Nasa ilalim kasi ng Paradigm si Pacquiao habang umalis na sa kompaniya si Garcia.

Nakasaad sa reklamo na ipinilit daw ng kasama ni Pacquiao na si Sean Gibbons at Winchell Campos sa kalabang manager nito na si Al Haymon na konektado sa Premier Boxing Champions para sa laban kay Spence.

Ayon naman kay Paradigm lawyer na si Atty. Judd Burstein na daranas ng ilang milyong dolyar na pagkalugi ang ginawa ng kampo ni Pacquiao.

Magugunitang noong Pebrero 2020 ng pumirma ng kasunduan si Pacquiao para sa four-fight deal sa streaming service na DAZN kabilang na ang laban kay Garcia na gaganapin sa Saudi Arabia.

Ang abogado naman ni Pacquiao ay minaliit lamang ang kaso at hindi raw ito uusad sa korte.