Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kaniya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.
Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang kurapsyon.
Inuna ng fighting senator na kuwestiyunin ang Department of Health (DOH) kung saan tinanong nito kay DOH Secretary Francisco Duque kung saan napunta ang mga perang ginagastos para sa pandmenya.
Ikinalungkot pa ng senador na bakit pa sa kurapsyon pa sila nagtatalo dahil mas kailangan ng bansa ang lider na lumalaban dito.
Magugunitang nitong Lunes ng gabi ng galit na hinamon ng Pangulo ang senador na kapwa kapartido sa PDP-Laban na ituro sa kaniya ang opisina na may nangyayaring kurapsyon.
Agad aniyang bibigyan ng pangulo ng aksyon ang opisina at sakaling walang maituro ang senator ay ikakampanya ng pangulo na huwag iboto si Pacquiao.