-- Advertisements --

Hindi pa rin nawawala ang paghanga ni dating world champion Robert Guerrero kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi nito na ang laban ng fighting senator kay Errol Spence ay isang matinding paghaharap ng dalawang magaling na boksingero.

Payo pa nito sa Filipino boxing champion na huwag lang dapat kalimutan ni Pacquiao ang kaniyang ginagawa noon at ito ay ang pagiging mabilis.

Hindi dapat maliitin ni Spence si Pacquiao dahil kahit na lagpas 40 na ang edad nito ay parang 20-anyos kung makipagsabayan sa mas batang boksingero.

Si Guerrero ay naging sparring partner ni Pacquiao noong mid-2000 habang ito ay nasa featherweight category pa lamang.

Inihalimbawa pa Guerrero ang laban ni Pacquiao kay Keith Thurman na mas matangkad na boksingero subalit hindi ito umubra.