-- Advertisements --
pacquiao thurman
Pacquiao -Thurman

GENERAL SANTOS CITY – Naniniwala ang isang konsehal sa lungsod ng General Santos na kayang talunin ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao si WBA “super” welterweight champion Keith Thurman.

Ayon kay Gensan City councilor Franklin Gacal Jr., mananaig si Pacquiao sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision.

Mapanganib na boxer umano si Pacquiao na nagpakita ng mga pruweba sa huling laban nito kina Lucas Matthysse at Adrien Broner.

Sinabi pa nito na mabagal kumilos si Thurman at parang uubusin lamang ang oras sa pagtakbo sa boxing ring kung ito’y may laban kung ikukumpara aniya kay Pacquiao na tinatantiya ang kanyang kalaban gamit ang mga mabigat at solidong kamao.

Dagdag pa ni Gacal na kung matamaan ni Pacquiao ng tatlong beses si Thurman posebling sapitin nito ang pagkatalo.

Si Gacal ay matagal nang kasama ni Pacquiao dahil isa ito sa legal counsel ng Fighting Senator.