GENERAL SANTOS CITY – Mahihirapan sa pagkuha ng suporta sa totoong miyembro ng PDP Laban si Senator Manny Pacquiao sa plano nitong pagtakbo bilang pangulo sa 2022.
Ito ang naging pahayag ni Atty. Rogelio Garcia ang National President ng PDP Laban.
Sinabi ni Garcia na hindi ugali ng kanilang partido na ituro ang magpatakbo sa kanilang partido dahil idadaan umano ito sa election.
Ayon pa kay Garcia, ganito din ang nagyari nuon ng inagaw umano ni Senator Koko Pimentel ang posisyon na Secretary General kay Jojo Binay.
Hindi umano naayon sa kanilang constitution and by laws na 40 dekada na kanilang sinusunod.
Sinabi din nito na nuon pa man sinabi na ni Senator Pimentel na ibigay kang Pacquiao ang nasabing posisyon.
Kahapon hinirang ni Senator Koko Pimentel na humalili sa kanyang pwesto bilang Presidente ng PDP Laban si Pacquiao.
Matatandaang nagsimula nang binisita ni Senator Pacquiao ang ilang opisyal sa Luzon para umano ihayag ang plano nito sa 2022 national elections.