-- Advertisements --

Mananatili pa ring mahigpit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao.

Ito ay kahit na nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama dahil sa naganap na pagpupulong ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi nagbabago at mananatailing pangulo pa rin ng partido si Pacquiao.

Magugunitang hindi na napigilan ang ginawang pagpupulong ng PDP-Laban kung saan nagkasundo ang mga ito ng pagtutulak kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa sa 2022 elections.