-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng conditioning coach ni Manny Pacquiao na si Justine Fortune na kayang tapatan ng Filipino boxing champion si Errol Spence.
Sinabi nito na kahit nasa 11-taon ang agwat ng kanilang edad ay hindi pa rin matatawaran ang pagiging mabilis ng fighting senator sa edad nitong 42.
Wala rin aniyang nakikitang problema si Fortune kung mas matangkad pa si Spence ng tatlo at kalahating pulgada kaysa kay Pacquiao.
Isang nakikita ng nasabing conditioning coach na magiging susi ni Pacquiao para manalo ay ang bilis at ang dami ng suntok na kaniyang pakakawalan.
Magugunitang itinakda sa Agosto 21 ang laban ng dalawa na gaganapin sa Las Vegas, Nevada.