-- Advertisements --
Dionesia Pacquiao Mommy D
Mrs. Dionesia “Mommy D” Pacquiao

GENERAL SANTOS CITY – Magulo man ang pulitika subalit handa na raw si Dionesia “PacMom” Pacquiao na suungin ang isyu matapos nagdeklara ang anak na si Manny na tatakbong presidente sa 2022 election.

Ayon kay Dionesia nakausap, niya si Manny sa plano sa politika subalit hindi sinabi ang iba pang impormasyon.

Sinabi din nito na mas mabuti itong ginawa ng anak kaysa makipagbasagan daw ng mukha bunsod na kaakibat naman nang maglabasang isyu kaya’t hinahanda ang kanyang puso.

Dagdag ng PacMom, mabuti na wala itong Facebook page kaya’t naiwasan ang pambubully at negatibong pahayag laban sa kanilang mag-ina. .

Bilang ina nakita umano nito ang mga pabahay na pinatayo ni Manny na ang pera ay nanggaling sa kanyang pawis at dugo.

Dagdag pa nito, hindi lang ang pamilya Pacquiao ang nakinabang sa tinatamasa ni Manny pati din ang publiko.