-- Advertisements --
Nagbabala si Filipino boxing champion Manny Pacquiao na mas lalong domoble ang tapang at lakas nito dahil sa patuloy na ginagawang “trash talk” ni Keith Thurman.
Sinabi ng fighting senator na handa naitong patahimikin ang labis na pagdaldal ni Thurman.
Tiniyak pa ni Pacquiao na nais niyang patunayan na mali ang mga ibinibitaw na salita nito.
Aminado rin ang Filipino boxing champion na talagang labis ang ginawa nitong ensayo para talunin ang walang talo na si Thurman.
Magugunitang makailang beses na ring pahayag ni Thurman na kaniyang pagreretiruhin si Pacquiao sa paghaharap nila sa Hulyo 21.