-- Advertisements --

Itinuturing si two-time welterweight world champion Shawn Porter na mas nakakaalam sa bawat diskarte nina Manny Pacquiao at Yordenis Ugas.

Si Porter kasi ang tumalo kay Ugas sa isang split decision noong Marso ng 2019.

porter 1
Porter vs Ugas in 2019

Si Porter din ay ilang beses na ring naging sparring partner ni Pacquiao.

Sa pagtaya ni Porter, 33, inabot na rin siya ng halos 50 rounds ng kanilang sparring session ng tanging eight division world champion.

Ayon kay Porter, si Ugas, 35, umano ang klase ng boksingero na hindi komplikado ang istilo.

Pagdating rin naman sa lakas ng suntok, kayang-kayang daw niya ito nang magharap sila ng 12 rounds para idepensa ang kanyang WBC world welterweight crown.

Habang si Pacquiao, 42, naman daw ay hindi lamang taglay ang lakas, kundi meron itong “sting” at “pop” na sobrang liksi sa pagpapakawala ng suntok.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Porter na mas maigi na tapusin ng maaga ni Pacman ang laban.

Habang tumatagal kasi raw ay baka magkaroon ng bentahe si Ugas.

nangangamba kasi Porter na baka may epekto na sa Pinoy ring icon ang edad nito na 42-anyos.