CALIFORNIA, USA – “We will see. I am going to their fight!” Ito ang unang sabi ni Sen. Manny Pacquiao matapos ang matagum na laban kay Keith Thurman nang tanungin ng press tungkol sa inaabangang bakbakan nina IBF champion Errol “The Truth” Spence Jr. at WBC champ “Showtime” Shawn Porter na magaganap sa September 29, 2019.
Kung maaalala nabugbog ni Pacquiao si “One-Time” undefeated Thurman noong nakaraang laban nito.
Sa ngayon si Thurman ay may record na 29 panalo at isang talo kay Pacquiao.
Hindi naman nakaligtas ang pambansang kamao sa mga tanong kung sino at kung kailan ang sunod na laban niya.
Marami ang nagsasabi na dapat umanong magretiro na si Pacman at wala ng dapat pang patunayan dahil siya na ang “GOAT or greatest of all time boxer.”
Subalit dahil sa marami ang namangha sa laban nito kay Thurman, hindi naiwasan na hamunin ito ng mga mas batang boksingero gaya nina Spence, Porter, Crawford, Lomachenko, at iba pa.
Sa panayam ni US correspondent Ponciano “John” Melo kay Spence, sinabi ng kampeon na gustong gusto nitong makalaban ang Pinoy ring icon na kay Pacquiao umano ang desisyon kung papayag ito o hindi.
“I just got to see what’s on the table. The guy is a Hall of Famer and all-time great. I definitely want that fight,” ani Spence.
Samantala, ang laban nina Spence at Porter ay inaasahang dadaluhan ng mga kilalang pangalan gaya ni Pacman.
Itinuturing kasi na isa itong malaking laban sa welterweight division kung saan si Pacquiao ay hawak ang version na super world welterweight champion na may 62 panalo.
May record na 30 panalo si Porter samantalang 25 panalo naman si Spence.