-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na mayroong anomalyang ibubunyag si Senator Manny Pacquiao laban sa gobyerno.

Ayon kay Lacson, nakausap niya ang kapwa senador kung saan bago aniya ito magtungo sa US para sa training sa laban kay Errol Spence ay ilalabas niya ang mga nakalap pang korapsyon sa gobyerno.

Desidido daw ito dahil sa kompleto ang hawak niyang papeles.

Kasama niya si Senate President Vicente Sotto, pinayuhan nila si Pacquiao na pag-aralang mabuti ang ilalabas na anomalya ng korapsyon dahil sa mas matindi aniya ang balik nito sa kaniya kung sakaling sumablay.

Umaasa si Lacson na hindi mauuwi sa personalan ang patutsadahan nina Pacquiao at Duterte.