Ipinaggitgitan ni Top Rank promoter Bob Arum na dapat sa Brisbane, Australia gawin ang rematch kung sakaling gugustuhin ni Sen. Manny Pacquiao na harapin muli si Jeff Horn.
Ayon kay Arum, dapat ipaalala na pangunahing ikokonsidera ang Brisbane dahil meron silang legal at moral obligation sa nasabing laban.
Una nang nagpahiwatig si Pacquiao na kung sakali gugustuhin niya na gawin sa Pilipinas ang rematch.
Kung sakaling sa Brisbane uli ang laban, dapat umanong siya na ang pipili ng judges at magiging referee dahil sa pagiging kontrobersiyal ng kanilang laban nitong nakalipas na Linggo.
Para naman kay Horn, mas nanaisin niya na gawin uli ito sa Brisbane lalo na at nakakatulong ito sa pag-angat ng boxing na naging popolar pa ng husto.
May lumutang naman na isyu sa Australia na ang rematch daw ay dapat gawin sa Melbourne.
Nabanggit na rin ni trainer Freddie Roach na walang problema kung babalik sila sa Australia.
Pero naniniwala rin ang Hall of Famer coach na baka ito na ang panahon para tuluyan nang isabit ng fighting senator ang kanyang mga gloves.