-- Advertisements --
May mga adjustment na umanong ginawa ang kampo ni Manny Pacquiao sa pagharap niya kay Yordenis Ugas.
Sinabi ng kaniyang long-time trainer Freddie Roach na isa dito ay maiiba ang paraan ng pakikiharap ng fighting senator dahil nagsanay sila sa southpaw boxer na si Errol Spence at ngayon ay sa orthodox stance na si Ugas.
Agad aniya nilang pinag-aralan ang mga galaw at laban ng 35-anyos na Cuban boxer.
Hindi pa rin nagbabago aniya ang lakas at tikas pa rin ng fighting senator.
Mabilis aniyang mag-adjust si Pacquiao sa nasabing sitwasyon.
Magugunitang umatras si Spence sa laban kay Pacquiao sa August 22 fight dahil sa injury sa mata at ipinalit si Ugas sa laban na gaganapin sa Las Vegas, Nevada.