-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ni Sentaor Manny Pacquiao matapos na gawan ito ng wax figure ng sikat na Madame Tussauds museum sa Hong Kong.
Makikita ang nasabing wax figure ng fighter senator sa Hong Kong kung saan nakasuot ito ng boxing gloves, shorts na kaniyang isinusuot tuwing may laban ito.
Hinangaan ang nasabing wax figure ni Pacquiao dahil ito ay halos perpekto.
Unang itinayo ang wax museum sa London ng French wax sculptor na si Marie Tussaud noong 1835.
Mayroon ng 21 sangay ang nasabing musem sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Si Pacquiao ang siyang pangalawang Filipino na nabigyan ng wax figure na ang una ay si 2015 Pia Wurtzbach na ginawa noong 2019.