Kinumpirma na mismo ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na patuloy ngayon ang mga negosasyon para sa nilulutong boxing bout sa pagitan ng Pinoy ring icon at ni UFC superstar Conor McGregor.
Ayon kay Jake Joson, special assistant kay Pacquiao, posibleng gawin ang bakbakan sa Middle East sa susunod na taon, kung saan ang kikitain ay mapupunta sa COVID-19 response sa Pilipinas.
“It is confirmed the negotiation between the camp of Senator Pacquiao and McGregor is now starting to move on,” saad ni Joson sa isang pahayag.
“Our beloved Senator doesn’t want to talk about boxing since we are in the middle of the pandemic and this is not the right time for it.
“His main focus right now is to help here and there, providing relief, shelter, money and food, among other necessities.”
Bago ito, inanunsyo rin ni McGregor na babalik ito sa ibabaw ng ring, ngunit kalaunan ay nilinaw ng kanyang kampo na pinaplantsa pa ang ilang mga detalye ng laban.
“I’m boxing Manny Pacquiao next in the Middle East,” anang MMA fighter sa Twitter.
Maaalalang huling nakipagbasagan ng mukha si Pacquiao sa ibabaw ng lona noong Hulyo 2019 kung saan nagapi nito ang dating walang talong si Keith Thurman sa Las Vegas at mapasakamay ang WBA “super” welterweight belt.
Habang si McGregor ay huling sumabak sa isang boxing match noong 2017 kung saan tinalo ito ni Floyd Mayweather Jr.