-- Advertisements --

Minaliit lamang ni Manny Pacquiao ang pahayag ng maraming boxing experts na hindi kaya nitong sabayan si Errol Spence sa kanilang laban sa darating na Agosto 21 sa Las Vegas.

Sinabi nito na kailangan lamang niya ng isang buwan na matinding ensayo at maibabalik niya agad ang kaniyang bilis at lakas ng pagsuntok.

Huling lumaban kasi ang fighting senator noong 2019 ng talunin si Keith Thurman sa kanilang WBA “Super” welteweght fight.

Aminado ito na si Spence ang pianakamahirap na kaniyang nakalaban bukod pa kay Floyd Mayweather.

Ang 31-anyos na si Spence ay wala pang talo sa kaniyang 21 na laban at siiya ang kasalukuyang WBC-IBF welterweight champion.