GENERAL SANTOS CITY – Nanawagan ng dasal si eight division world champion para sa maayos at ligtas na laban sa lahat ng boxer sa laban bukas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada ito’y matapos ang kanilang weigh-in.
Inamin nito na handa na ang lahat para sa malaking laban kay reigning champion na si Yordenis Ugas.
Muling sinisiguro na gagawin ang lahat para sa isang magandang laban habang bitbit ang karangalan sa bawat Filipino sa pag-akyat sa ring bukas.
Pinasalamatan nito ang sambayanan sa pagsunod sa kanyang training sa pamamagitan ng Bombo Radyo.
Una ng sinabi ni coach Buboy Fernandez na napuno man ng pasa ang katawan kanyang ginawa para maibalik ang sigla ng pangatawan ni Manny para sa nasabing laban.
Mismong si Pacquiao umano ang nagsabi sa kanya na ibalik ang timbang nito sa mga nakaraang laban kaya’t namintine ang timbang na 146 lbs. pati ang foot work na gagamitin sa laban bukas.