-- Advertisements --

Tinanggap ni Manny Pacquiao na may pasasalamat ang maraming bumati sa kanya at kinilala ang kanyang mga nagawa sa boksing sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Yordenis Ugas.

pacquiao ring

Sa kuwento ni Samahang Weiglifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella sa Bombo Radyo, sinabi nito na naantig din daw ang damdamin ni Pacquiao sa pag-iyak at mensahe nang tinaguriang “queen of all media” na si Kris Aquino.

Ayon kasi kay Kris, hindi na kailangan ni Pacquiao na mag-sorry dahil sa ito na nga ang nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa.

Una nito sinabi nito Pacquiao na, “I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best.”

Sa kanyang Instagram page, todo ang paghanga ni Kris dahil daw sa masyadong pagpapakumbaba ni Manny.

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo,” ani Aquino. “No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.”

Ipinaabot din naman ni Kris ang kanyang “love and prayers” kay Jinkee.

“God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.”