Mistulang napikon si Sen. Manny Pacquiao sa naging patutsada sa kanya ng retired boxing champion na si Floyd Mayweather Jr.
Una nang nag-post sa kanyang instagram account si Mayweather na ginagamit lamang daw siya para gumawa ng gimik at “clickbait” para sa mga internet post.
Binatikos din ng undefeated American boxer ang pagkaladkad sa kanyang pangalan dahil kung tutuusin tapos na raw siya kay Pacman at malinaw niya itong tinalo noong May 2015.
“My take on all this bullshit is that y’all are just upset that I broke Rocky Marciano’s record and hate the fact that a Black, high school dropout outsmarted you all by beating all odds and retiring undefeated while maintaining all my faculties simply by making smart choices and even smarter investments,” ani Floyd sa kanyang statement.
Ilang oras matapos ang post ni Mayweather, lumutang naman sa official account na Twitter ni Pacquiao ang sagot niya sa statement ni Floyd.
Mistulang hindi nagustuhan ng Pinoy ring icon ang paggamit din sa pangalan niya ni Mayweather samantalang ito naman ang pumunta sa kanyang laban nitong nakalipas na Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas sa harapan nila ni Keith Thurman.
Ayon pa sa reaksiyon ng eight division world champion, kung gusto raw ni Mayweather na maging “relevant” pa ay magkaroon sila ng rematch.
Ginamit ni Manny sa post ang salitang “#MayPac2.”
Kung maalala sa unang harapan ng dalawa ay binansagan ito na “fight of the century” at binasag ang boxing record sa pagkamal nila ng kita lalo na ang pay-per-view record sa sport.
Sa naturang pagtutuos ay namayani si Mayweather sa pamamagitan ng twelve round unanimous decision.
Pero ayon sa mga observers “flop” ang nangyari dahil noong panahong ‘yon ay inamin ni Pacquiao na merong dinaramdam sa kanyang balikat.
Bagay na masasabing hindi raw 100% na kondisyon ang pambansang kamao.
Muling pinigil ni Mayweather ang kanyang retirement noong August 2017 nang kanyang labanan at talunin ang UFC superstar na si Conor McGregor sa tenth round.
Samantala hati naman ang reaksiyon ng mga fans sa palitan nang pahayag ng dalawang boxing superstars.
Uminit tuloy ang social media at naging trending pa ang isyu.
Marami ang na-excite na mga fans, pero marami rin ang nagsabing wala na itong saysay pa dahil 42-anyos na si Mayweather at sa Diyembre ng taong ito ay 41-anyos na si Pacquiao.
Narito ang ilan lang sa mainit na sagutan ng mga fans sa social media:
@frauey
@FloydMayweather MayPac2 is useless if Floyd will run and run and run
Jhay Brombs
@jhayspiro You scared @FloydMayweather #Chiken #IV
Tristan
@TristanGHill
Now im horny
Jubel
@jubelcable
Suntukan!! Suntukan!!
Luis Fuenmayor
@luisernesto_fm
It’s true but Manny doesn’t need Floyd. Floyd needs Manny to be relevant
Ace
@aaron_pattison
Would definitely watch a rematch, though I know the result would probably be the same again
jonkin24
@jonkin24
@FloydMayweather just jealous bc @MannyPacquiao beaten @keithfthurmanjr
at 40 whom Floyd ducked for years too
Brian Maguire
@Bmaguire10
@FloydMayweather aint nothing but a cherry picking, Olympic style point, punch and run fighter. Scared to actually takes risks in his fights. Your legacy is a legacy of “safety”. A plain Jane. Enjoy your “50-0″**
Deacon Frost
@Rinzler03ny
Maypac2 make it happen and why not. Bring the fight to the biggest stadium AT&T arena home of the Cowboys.