-- Advertisements --

Nagisa sa plenaryo ng Senado si Sen. Manny Pacquiao matapos itong maglabas ng manifest of support para kay Senate President Tito Sotto.

Sa nasabing manifesto kasi ay may 13 nakalagda, pero napuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi nakapirma ang ilang miyembro ng majority group.

Partiukular na si Sen. Cynthia Villar na maugong na ipantatapat ng ilang grupo bilang susunod na Senate president at suportado pa ng neophyte senators.

Para kay Drilon, nakapagtataka na majority group member si Villar, ngunit hindi ito naghayag ng suporta sa pinuno ng Senado.