-- Advertisements --
Magbibigay si Senator Manny Pacquiao ng P500,000 na pabuya sa agarang pag-aresto sa mga nakakalayang suspek na pumatay sa flight attendant na si Christine Dacera.
Sinabi nito na ang sinumang nakakaalam sa mga kinaroroonan ng mga suspek ay dapat huwag mag-atubiling magsumbong sa PNP dahil may naghihintay na pabuya sa senador.
Gagawin aniya nito ang kaniyang makakaya para tuluyang maparusahan ang may sala sa kaniya.
Naging malapit aniya sa kaniya ang pamilya dahil kababayan niya ang kaanak ng bikitma sa General Santos City.
Nauna ng hawak na ng kapulisan ang tatlo sa 11 suspek umano na nasa likod ng insidente.